Pages

Wednesday, February 27, 2013

Special Connection between the two

It’s been ten years since the last time sinipag akong magblog lol

Hindi ko rin alam now kung sipag ba ito or sadyang kinarir ko lang ang pinagdadaanan ko

May utang pa ako kay zai, empi at steph, nasa file ko pa yong draft ng kwento ko sa kanila, nasa kalagitnaan na ako at biglang madaming sagaball sa blogging career ko kaya natambak ko ang draft nila zai, empi at steph. uunahin ko sana gawin  yon kaso ito na naman ang pakiramdam kong ayaw ko na talaga sana pero bakit ba! Naiinis na ako ha!! Super! Mga moment na hindi na dapat mag-appear, super bitter pa rin kasi appear ng appear hindi ko naman kailangan. (bigti mode)

Hindi ko rin naman masabi dahil sa super pagod ko lately sa event at nagkakaganito ang pakiramdam ko. Totoo nga ang sabi nila when ang dalawang tao may special connection kasi kung ano ang nararamdaman mo, yon din ang nararamdaman ng isa. Isang halimbawa na naisip ko ngayon yong nag-iisip ka na itext or tawagan mo yong taong mahal mo tapos siya rin the moment you think about her/him pala,  yon din nasa isip niya. That is a very special connection kasi feelings niyo na ang nagsasabi gawin ang mga bagay2x (wag grin yang utak mo, nakikita ko lol) na sabay.

Yan ang pakiramdam ko ngayon, ang bigat, mas mabigat pa sa kuyukot na dinadala ko at pinipilit pa itong palakihin na parang napaka-imposeble naman yata pero I will still try. You know. =)

Hindi na muna ako magjoke kasi seryos kasi tong post ko na ‘ito. Rots.

Nahihirapan ako? Siguro kasi ayoko tanggapin yong closure. What I mean is OO there is a closure pero ang iniwan ko yong mga magagandang alaala dahil I want to live there, I want to live it that way kasi kahit anong galit naman gawin ko, wala eh, wala naman, feeling ko in the end of it, nasa akin pa rin ang mali, ang kulang but God knows how I tried to save it pero wala na talaga. There are things we need to accept na kung hindi daw talaga para sa atin, wag na natin itong ipilit.

Sa mga pagkakataong ito, gusto kong lumayo. Malayo sa maiingay na ciudad, at manatili muna sa may bundok, yong pagkagising ko puro kahoy lang ang nakikita ko, may dagat at may mga ibon na nagiingay sa paligid.

Wala namang tao or situation na nagpush sa akin na maramdaman tong bigat sa dibdib ko, ito na talaga ang sinasabi kong special connection between us kahit malayo na siya, wala na siya pero dahil may pinagsamahan kayo, meron pa ring natitira kaya alam kong sa oras na ito abot tenga ang ngiti niya, natagpuan na niya ang happiness na hinahanap niya, may kayakap na siya hindi lang sa isang araw or dalawa pero pwedi na ring habang buhay na. I remember that pain, tagos sa laman, sobra!

Napagod ako, parang gusto ko lang matulog ngayon, pinipilit wag umiyak diba kasi wala naman rason, ok naman ako ayoko lang sa naramdaman ko ngayon kasi sobrang bigat. Ito at ito lang yong pakiramdam ng malaman kong ang pagiwan mo sa panahong yon ay natuto ka ng hindi na bumalik.

Sana pwedi kagad sumakay ng eroplano para lumayo at mag-isip ulit. Gusto kong pumara ng airplane at magpunta ng hongkong Disneyland para isiping bata ulit, walang problema, innocente ang pagiisip at hindi nagiisip pa sa kinabukasan.

I’m just really sad.

Bear with me my blog. =)

Wanna escape for a while. 


11 comments:

  1. Sorry to hear that you are sad lalah. Hope I can ease
    Your pain. Praying for you. It will surely take time, but lilipas din yan. Meron kapalit na really meant for you.
    Take care.

    ReplyDelete
  2. Hays lala kakalunkot naman tong post mo ang light pa naman ng entrada pero ayu
    hirap talaga ramdam ko yan lala well kung wala na talaga lala wag na natin ipilit pa
    kasi ikaw ang kawawa at ayaw namin ng ganun dapat ikaw ang lyamado parati!
    hmm i suggest i labas mo na lahat ng nararamdaman mo all at once malaki maitutulong nung
    i focus mo sa friends, family and most specially sa sarili mo ung time mo
    mag pa ganda ka pang lalo ewan ko lang kung di xa magsisi sa katangahan nya
    biruin mo lala na pinakawalan pa!
    cheer up na lala ahh
    at isa pa kay god ka humingi ng guidance ok?

    ReplyDelete
  3. Lala! *mega tackle bear hugs*

    Tama si Mami Joy, time will heal all wounds of the past at I also believe na may plan pa si God for you kaya nae-experience mo ang ganito sa ngayon.

    *hugs 1000000x*

    ReplyDelete
  4. sana yang naiisip mong paglayo at pamumundok ay hindi mataon sa pagbisita ko jan ha... umayos ka... chill chill din pra positive vibes.... wag iyakan ang wala kasi wala kang mapapala... ienjoy ang kung ano ang meron gaya naming mga kaibigan mong handang dumamay kahit anu pa... miz ka man namin sa blogosphere at tila matumal ang dati mong madalas na pagiingay, ayos lang basta focus ka lang sa mga ginagawa mong aabot sa mga pangarap mo... ganyan... miz u lala... miz talking to you ung seryosong usapan at hindi puro kuyukot mo lang! bwahaha

    ReplyDelete
  5. Darating din ang araw na mawala lahat ng yang ka-bitter-ran mo at kalungkutan na yan. :)

    ReplyDelete
  6. kaya 'yan.. nakakapagod nga minsan ang buhay pero ganun talaga.. be positive na lang sa mga bagay.. dont dwell too much sa hindi magandang nakaraan, look forward sa mga darating pa..

    ReplyDelete
  7. I always say this pag may love prob ang isang tao. Eat something sweet. Chocolates. TAs nuod ka One More Chance (na di ko pa napapanuod din) at ilabas mo lahat lahat ng lungkot.. tas pa haircut ka..seryusuhin mo gym. PRAY!

    ReplyDelete
  8. I hope everything will turn out right soon Lala, kapit lang ima nga nila.
    Lahat tyo may kanya kanyang krus na kailangang buhatin, eto siguro ang sa iyo ngayon pero pasasaan bat matatapos din yan.
    Cheer up na, ilocosescapade ka nalng hehehe.

    ReplyDelete
  9. Aww sad si Lalah, sino ba may gawa nito sayo? Wag ka nalang pupunta somewhere, kami nalang lilipad papunta dyan at iHug ka ng mahigpit... mag iihaw tayo ng bangus na may lemon grass yung tyan, magkikinilaw tayo yung bisaya.. name it, ano gusto mo? Super bonding tayo, daldalan at tagayan hanggang umaga :P

    Seryoso, Ingat ka, pray ka lang. Bear hugs!

    ReplyDelete
  10. Inay naman, hiwag na po malungkot. Malulungkot ang mga anghel sa kalangitan sa iyong pagiging malungkot. Cheer up at kung pagod ay magpahinga. Kung nagugutom ay kumain, uminom kung nauuhaw at umiyak kung naluluha. Pagkatapos ay tumuloy sa mga dapat gawin. Huwag maistock sa lugar ng kalungkutan.
    Gusto ko ring pumara ng eroplano, o kaya sabit na lang tayo :P

    ReplyDelete
  11. Sometimes you have to mourn the loss of a relationship to be able to enjoy and savor every moment in your next one.

    ReplyDelete