Thursday, July 31, 2014

Putok putok bawat taon

Just like I said in my previous entry, I would like to share pano ako nag-acrobat at mala break down sa buhay ko bago ako pumasok sa mundo ng social service. Charottts lang! may history talaga? Cheess! Hahaha

Nong unang sabak ko sa college, I took up Architecture and waalleey hindi ako nag-apprenticeship ng 2 years (naabotan ako ng bagong law at that time na magtake ng 2 years bago magtake ng board exam, pakershets! Hahaha) HINDI ko na kaya kasi nastress at I was totally lost. (yooowwwn oh! Haha charms! Hahaha)

2006 – napasok ako sa isang government agency, 7 years din naman ako
2011 – ng April nitong taon, I lost my mother, she died of complication
2011 – ng June naman nito, I decided to enrol Social Work para sundan ang yapak ng nanay ko. ARAL TRABAHO ang drama ko dito! hahaha
2013 – I had my practicum sa rehabilitation center for rape survivors & I was also a community organizer in one municipality in our province
2014 – ng march nito natapos ko na
2014 – by april naman, shonga shonga nako, nagboard review kami, hirap walang facebook, walang blog, wala lahat hahaha
2014 – ng may naman, juice colored, I made a personal review schedule and binigay ko ang katawan ko, kaluluwa, isip at puso ko at itong kapatid ko sasabihan lang akong >>> “papasa kaba? Nagrereview kaba?” (dahil nahuhuli niya akong nanunuod ng juan for all, all for one! Hahaha)

WOW ha sa isip ko! Wala ng natira sakin, walang wala na talaga, nasusuka na ako sa 10 hours a day na sched ko! Hahahaha paakkeeng tapes!!!

Ito na, ito na, sayaw sa left, sayaw sa right, tumbling two times at spleeetttt sabay utot sa bibig! Hahahaha

2014 – ng JUNE 29 & 30 ayan na board exam na namin!

2 days after, I got the result, sssssooooosss!!

Halos lahat ng santo, nakilala na namin, kung san-saan kami napupunta, may aakyat kami ng medyo slight na bundok, sasakay ng habal-habal, tatawid ng 9 ilog para mapuntahan ang mga secret helper natin sa buhay.

After the first day ng board exam, I saw a moth malapit sa kitchen, that’s where I said to myself na, papasa ako! yon ang sign!

YES! It is, after 2 days, finally nakita ko na rin yong name ko and now I can officially practice social work and defend disadvantages people around us.


Sa ngayon, nagpapahinga ako (kasi ala pa akong trabaho! Hahaha) but I am waiting sa appointment ko nalang sa isang national agency. Pero if ako ang tatanongin, gusto ko pa rin magtrabaho sa UNICEF. In God’s time and will. 

Haayysss, gusto ko ng pasokin ang mundo ng Law. hahaha 



Monday, July 28, 2014

Makikigulo sa SONA

Una sa lahat gusto kong makigulo sa SONA ni Pnoy! Chos! Hahaha (sway to the left and to the right sabay kaway kaway talon at biglaanngg splleetts)

Lahat ng tao may pagkukulang, walang perpekto, siguro naman sa lahat ng taong “nakakaintindi” ginawa naman ni Pnoy ang best niya para sa Pilipinas. Bawat presidente natin sa Pilipinas, isa lang masabi ko PAKSHET sa lahat ng raliyista na yan na wala na sa lugar, lahat may comment, lahat may reklamo, lahat mali ang nakikita nila sa presidente, PWES! One this then there is, be the president of the Philippines! Parang sila nalang lagi tama! Eh di magpresidente kayo yon lang yon! hahahaha

Sa trabaho ko sa field noon at ngayon, isa lang ang realization ko, yes oo aaminin ko yang madaming mali sa gobyerno, totoo may mga corrupt sa gobyerno talaga lalo na kapag nasa position ka pero hindi nagpapabaya ang gobyerno sa mga programa para sa mga mahihirap! Totoo yan. Ang mahirap?! Yong mga mahihirap sinisisi ang president dahil sa kahirapan, naman! Ito ang katotohanan diyan, MENTALIDAD!!! Oo MENTALITY ng mga taong yan! Nasa isip nila na mahirap sila kaya hanggang don nalang sila. HINDI! HINDI! Hahaha kasi lahat may paraan kapag gusto, lahat may magagawa kapag determinado!

Hindi ko naman masabi na maka-Pnoy ako, pero ang gulo gulo ng maynila sa mga rally na yan, sunog dito, sunog doon, hindi kayo yayaman dyan! hahaha yon lang talaga! hindi! hahaha chos! 

Wwwwoooootttt.. paaakk!! Hahaha

Anyways, siguro ito na ang right time para makabalik nako sa mundo ng pagbblog, charots! Oo kasi naitawid ko na ang pangarap ko. ito na ang simula sa pagbuo ng bagong mga pangarap. Naman! Achos lang! hahahaha di nga, above all, sobrang nagpapasalamat ako sa diyos sa lahat-lahat na nangyari sa buhay ko for the past 3 years. Naabot ko na, I got my license finally! Yoohoo!! I am now already a REGISTERED SOCIAL WORKER! YES! Hahaha  Ito ang masabi kong God made it all happen the least I expect it, it was indeed orchestrated.

Sa next post ko na ikukwento about pano ko narating ang lahat ng ito sa buhay ko. charoowwss! Hahaha
Wala lang, nakikigulo lang naman ako talaga sa SONA, sumingit lang bigla ang personal na buhay! hahaha
Hayyymisshyoo all!!


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...